Siguro 70% or 80% ng nga filipino ang sumasakay sa pampasaherong dyip. Normal na sa mga filipino ang pagsakay ng dyip, kumbaga kasama na ito sa kanilang pang araw araw na gawain sa buhay. Sa araw araw mong pag sakay ng dyip wala ka bang napapansin? Alam ko meron dahil sino ba ang hindi nakaranas o nakakita ng mga batang badjao katulad nila?
I take this picture for my photography. Siguro nagkataon na sila ang nakita ko noong naglalakad ako kaya sila ang napili kong subject para sa potograpiya ko. Sila ay mga batang badjao na sumasabit sa mga jeep para humingi ng barya upang may makain sila sa araw na iyon. Hindi nila alintana ang mainit o maulan na panahon at makikitang wala silang saplong sakanilang mga paa.
Masasabi ko din na sila ang mga BATANG SABIT BUHAY Hanggang kaya pa sabit lang kapit lang. Ang hihilig nilang sumabit naalala ko tuwing pasko nangangaroling pa sa dyip at sinasabayan ng pag-indak ng katawan. Hindi ko sila masisisis o hindi natin sila dapat sisihin dahil maraming sakit ang lipunan isa na lamang ang mga kabataang lumaki na sa lansangan.
Lipunan na may sakit na siyang gumugunaw sa ating pinagmulan at Lipunan na punong puno ng kahirapan, kapaitan at karahasan. Mukha ng kahirapan na matutulungan lamang ng kanyang mga mamamayan.
Location: Muntinlupa City, Philippines
Snap taken: June 2018
Capture: Image where shot using my SAMSUNG J7 Pro