Hello guys,:)...Magandang gabi...kumusta po kayo?
Likas na po sa ating mga pilipino o ibang lahi ay hilig natin magtanim ng mga halamang Bulaklak. Masaya tayo pag meron tayo saating mga bakuran na nakatanim lalona't pagnamumukadkad na ang mga bulaklak nito. Hindi po natin alam na meron pala makukuhang mga benepisyo para saating kalusugan o panglunas sa mga sakit-sakit sa ating balat. Ayun sa aking pagsusuri ang mga halamang bulaklak na eto ay may kakayahang makagamot sa iba't ibang klaseng sakit sa katawan. Hayaan po ninyo na eto ay aking maibahagi sainyo, sana meron po kayong makuhang bagong kaalaman sa blog na eto.
"Ylang-ylang"
Ang "Ylang-ylang" ay nagtataglay ng halimuyak na naiiba. Sa katunayan, ang langis na nakukuha sa bulaklak na ito ay nagagamit sa aromatherapy, at sinasabing nagdudulot ng ginhawa mula sa sakit sa puso at mga problema sa balat. Ang puno ng ylang-ylang ay likas sa Pilipinas at madalas tumubo sa mga bahagyang asidikong lupa. Ang bulaklak nito ay kulay dilaw-luntian at kahugis ng isang bituin.
The "ylang-ylang" contains fragrance that is different. In fact, the oil that comes with this flower is used in aromatherapy, and is said to bring relief from heart disease and skin problems. The ylang-ylang tree is native to the Philippines and often grows on slightly acidic soil. Its flower is colored yellow-green and shaped like a star.
"Sampaguita"
Ang "Sampaguita", likas sa mga tropikal na bahagi ng Asya, ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. Ang malilit ngunit mabangong bulaklak na ito ay ginagawang mga kwintas na ginagamit bilang alay ng pagtanggap o simbolo ng parangal sa mga kilalang tao o mga taong may mataas ang katungkulan. Ang mga binebentang sampaguita sa kalsada ng Maynila ay ginagawang dekorasyon sa mga sasakyan o kaya naman ay inuuwi ng mga Katolikong deboto upang isabit sa kanilang altar. Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak ay ginagamit na alternatibong medisina ng mga Pilipino. Ginagamit ang sampaguita bilang pampakalma, anestisya at gamot sa sugat.
The Sampaguita, native to tropical parts of Asia, is the national flower of the Philippines. This fragile but fragrant flower makes lobster used as a receipt or symbol of honor to celebrities or high-ranking people. The pieces of Manila's roadblock are made of carpentry or carpets of Catholic devotees to hang on their altar. Aside from being decorated, flowers are used as alternative medicine by Filipinos. The sampaguita is used as a palliative, anesthetic and a drug in the wound.
"Waling-waling"
Ang Waling-waling ay isang bihirang orkid na katutubo lamang sa isla ng Mindanao, partikular sa paanan ng Bundok Apo sa Davao, Cotabato, at Surigao. May panahon ang pagtubo nito, at ang dalawang linggong pamumukadkad ay nagaganap sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre. Tinaguriang "Queen of Philippine Orchids," ang waling-waling ay itinuturing na pinakamagandang orkid sa Pilipinas dahil sa nakamamanghang kulay ng uri nito. Ang katangiang ito ang nagdulot sa muntik na pagkawala ng mga waling-waling nang unti-unting inubos ng mga mangangaso at kolektor ng orkid ang mga nasabing bulaklak. Ang pagkaubos ng waling-waling ay napigilan nang isinagawa ang tissue culture upang paramihin muli ang mga orkid.
The Waling-waling is a rare orchid native to the island of Mindanao, specifically at the foot of Mount Apo in Davao, Cotabato, and Surigao. It has a period of growth, and the two-week bloom takes place in the months of July to December. The so-called "Queen of Philippine Orchids," the oriental is considered the best orchid in the Philippines because of its magnificent color. This feature led to the loss of sparse hunters and orchid hunters and collectors who spend on these flowers. Dehydration was prevented by the tissue culture to reproduce the orchids.
"Gumamela"
Ang Gumamela ay isa sa mga pinakapamilyar na bulaklak sa Pilipinas, dahil sa ito ay paboritong dekorasyon sa hardin ng mga Pilipino. Ang bulaklak na ito ay naiulat na ginagamit na pantapal sa mga bukol, maga at beke. Ang katas na nakukuha sa ugat ay ginagamit na gamot sa venereal diseases at lagnat, habang ang mga dahon naman ay ginagawang pamahid sa lagnat at sakit ng ulo.
The Gumamela is one of the most popular flowers in the Philippines, as it is a favorite for the Filipino garden decorations. This flower is reportedly used in the lumps, swelling and mumps. The root extract is used to treat venereal diseases and fever, while the leaves are used to fever ointment and headache.
"Santan"
Ang Santan ay isang palumpong na mayroong maliliit na pulang bulaklak. Ang uring ito ay nagmula sa India, pero ito ay itinanim at napalago na rin sa Pilipinas. Ang mga bata ay mahilig mag-ipon ng mga bulaklak ng santan upang gawing kwintas. Ang mga matatanda naman ay kumukuha ng mga ito upang gawing gamot sa daragas at iba pang mga sakit.
The Santan is a shrub with small red flowers. This species originated in India, but it was planted and grown in the Philippines. Children love to gather santan flowers to make a necklace. Older people take them to make medicines and other diseases.
"Dama de Noche"
Ang Dama de Noche ay sikat dahil sa kakaiba nitong pagtubo, na naging paksa rin ng isang alamat. Ang mga bulaklak nito ay namumukadkad sa gabi at naglalabas ng napakatamis na halimuyak. Ang bulaklak na ito ay unang pinalago sa tropikal na bahagi ng Amerika, pero ngayon ay itinatanim at pinapalago na rin sa Pilipinas.
The Dama de noche is famous for its unique growth, which is also the subject of a legend. Its flowers bloom at night and emit sweet fragrance. This flower was first grown in tropical regions of America, but is now grown and grown in the Philippines.
"Everlasting"
Kilala rin sa tawag na paper daisy o straw flower, ang everlasting ay bulaklak na simbolo ng Baguio City. Mga tali ng ganitong bulaklak ay binebenta sa mga palengke at kalsada ng "Summer Capital" ng Pilipinas. Dahil sa tagal ng buhay ng everlasting, paborito ito ng mga deboto na isabit sa kanilang mga altar.
Also known as the daisy or straw flower paper, everlasting is a flower symbol of Baguio City. String of this flower will be sold in the markets and roads of the "Summer Capital" of the Philippines. Due to the duration of everlasting life, it is a favorite of devotees to hang on their altars.
Source: http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mga_Bulaklak_ng_Pilipinas
Sana po inyong naibigan ang ibinahagi ko sainyo ngayon:). Gusto ko po ulit magpasalamat sainyo sa walang sawang pagsuporta saaking blog maraming maraming salamat po mag-iingat po tayo lagi hanggang sa muli magkita-kita po tayo ulit sa susunod kung blog Godbless everyone love you all mwuaah:)....