Aakyat ng Ligaw
Aba ang bango ng aking kaibigan
Mayroon daw kasi siyang naibigan
At ngayon ay aakyat ng ligaw,
Kasi puso daw nya ay sumisigaw
Sige na, sige na, Sasamahan kita
Ako na ang mag-gigitara
At ikaw iyong kakanta
Tara na, kasi gumagabi na!
Aba, ang ayos ng iyong porma
Naka-gel ang buhok, naka-barong pa
Sino ba naman ang di malulunod sayo?
Kapag haharanan mong ganyan ang tayo?
Malapit na tayo kina Maria
Maghanda ka na at tayo'y babanat na
Kaya gandahan mo ang iyong kanta
Baka tayo ay batuhin ng nanay nya
Pagbilang ko ng tatlo, magsalita ka na
Ng matatamis mong salita para sa kanya
Alam kong kaya mo to, ito ata ang sekreto
Nang lolo mong nakabihag ng tatlo
Ohh, Maria aking Sinta!
Sana sa bintana'y dumungaw ka
Pakinggan mo itong awitin ko
Na alay ko para lamang sa iyo