Naiiba Ako
Bakit ko ipipilit na ako'y matanggap ninyo
Iba naman talaga ako, tayo'y nalalayo
Hindi naman ako galit sa tao,
Gusto ko lang na mapag-isa ako.
Kill joy, iyon ang tawag ninyo sa akin.
Kaligayan ko, kaya nyong patayin
Maaari bang 'wag nyo nalang pansinin?
Sapagka't ang buhay ko naman ay akin.
Ako'y iba, kasalanan ko ba?
Paggalang ba, kayang nyo bang ipadama?
Sino ang mali, sino ang tama?
Ako ba, o kayo ba?
Kahit ako'y inyong pagtawanan
Dahil ako nga ay iba sa karaniwan
Wala akong pakialam, simula't simula.
Sa mundo ninyo naman, ako ay nawawala.
Huwag ako, huwag nga ako.
Ilang sambit pa ang kailangan ninyo
Hindi ba tayo madaling matuto?
Sino ba ang inyong niloloko?
*Hindi ninyo maisip bakit ako ganito
Hindi ko rin maisip bakit ganoon kayo
Sabi ko, hindi nga tayo pareho,
Pero tiyak may bobo sa atin dito.
Kaso lang, hindi ako.*