I am permanently inlove with you, always and forever
Tandang tanda ko pa nung una kitang makita,
Ikalawang taon sa hayskul nasilayan kita
Mata'y mapang-akit, buhok ay napakatuwid,
Marahang kilos, tunay na napakahinhin
Nagsimula na ang pasukan, ika'y laging nakikita.
Umaga hanggang hapon, palagi kang kasama sa eskwela.
Mapupungay na mga mata,
Mapanghamon ang kanyang mukha.
Lalo akong nahumaling dahil sa isang pangyayari,
Ako'y nalate sa klase, kaba'y hindi mawari.
Nakalimutan ko ang takdang aralin,
Na dapat ipasa sa guro namin.
Heto ka't nag-alay ng tulong,
Kinulayan ang araling ginawa ko.
Kinulayan mo rin ang madilim kong mundo,
Ako'y naantig, kaya ikaw ang una't huling iibigin ko.