Tingin mo pa lang ako'y tunaw na,
Dahil sa ngiti mong nakakahalina,
Pangarap ko na ika'y makilala,
Dahil sa'yo mundo ko ay sumigla
Nung unang nakita ka puso ko'y nalaglag,
Parang tila ako ay bangag,
Sadyang tinamaan ako sa'yo,
At ikaw ang tanging laman nitong puso,
Bawat araw ikaw ang inaabangan,
Pati sa pagtulog, ika'y nasa isipan,
Sa tingin ko'y minamahal na kitang tunay,
At lahat ay handa kong ibigay,
Sana mapansin mo rin ako,
May pag asa kaya ako sa iyo?
Sana madama mo itong nararamdaman,
Kahit sa pangarap at panaginip man lang.
pls upvote and resteem :) thank you so much :)
kindly paste your links in the comments section below for me to upvote your posts too :)