Ang mga tandang ay naiiba sa mga inahing manok dahil sa kanilang matitingkad na kulay, mahahabang balahibo sa buntot at pahabang balahibo sa kanilang mga leeg. Ang tandang ay mas malaki at matingkad ang kulay kaysa sa inahin, mayroon din itong mas malaking palong sa kanyang ulo.
Ang mga tandang ay kadalasang tumitilaok ng malakas sa umaga, ngunit sila rin ay maaarig tumitilaok anumang oras. Ang kanilang malakas na tilaok ay isang senyales sa ibang tandang sa kanilang teritoryo. Ang mga ibon na ito ay madalas ding magwala. Ang mga inahin ay nangingitlog ng kulay puti hanggang mapusyaw na kayumanggi at iba pang mapupusyaw na kulay depende sa lahi.