Nadaanan lang namin 'to papuntang Tagaytay. Tapos binalikan ko kahapon para makapagselfie. Nakakatuwa kasi... Ito yung unang tindahan na nakita kong tumatanggap ng BITCOIN. !
Gusto ko kasi may buhay na pruweba akong nag eexist ang Bitcoin. Lalo na sa pamilya naming makaluma. Minsan kasi ang hirap nalang magpaliwanag kung di nila makita mismo sa mata. Sabi nga... "To see is to believe". Idagdag mo pa na nasa 3rd world country tayo. Nauna pang makasunod mga tao sa mga nauusong porma at dance challenge na galing sa ibang bansa kesa sa mas makabuluhang CRYPTOCURRENCY.
Sorry sa mga millennials. Just saying!