Alas 4:oo na pala,ako'y babangun na,
Ang relo ko'y umalarma na?
Sa bawat kislap ng umaga ako ay gising na.
Masarap pang matulog subalit, kailangan
Mag-sikap para pamilya.
Isang umagang panimula muling pag hango sa trabaho.
Hito ako sa minahan,dugo at pawis ang puhunan
Hito halos mangka darupa sa trabaho para
Makaraos sa kahirapan,
Sa bawat bato ng aking biniak,
Tungo sa liblib minahan hinuhukay ang bundok
Gamit ang piko,pala at lakas ng katawan,para lang sa
Magandang kinabukasan.
ang aking katawan ay nababalot ng maitim na putek at lupa na kasing itim ng uling.
Sa hamon ng buhay minsan ako'y ng hihina na..
Pero lagi iniisip ang pamilya para may madalang pagkain at pera.
Kayod kabayo at kalabaw ang aking ginagawa,
Kakayanin, pero minsan ako napapagod din,
Sapagkat ako'y tao lamang,di ako makina.
Akoy pagud na!kailangan ko rin magpahinga!
mula sa Original na obra ni
sa steemit.com
akoy e-follow at supportahan
tangkilikin ang sariling atin..
lahat ng source sa image: google image