Sa bawat "patawad mahal" at " bahala na"
Sa bawat "gusto pa kita" at "move on na"
Sa bawat "ikaw lang talaga" at "ayoko na"
Ako'y litong lito na aking sinta.
Lumipas ang ilang araw at ako'y nandito na naman.
Puso'y pilit nilalabanan ng aking isipan
Mahalaga ka sa akin alam mo naman yan.
Pero tama pa bang mahalin ka ng ganto?
Pagkat ako'y nasasakal na sa bawat hila't tulak mo.
Hindi ko lubos akalain na.
Ako'y paglalaruan ng tadhana.
Noon gusto mo naman ako di ba?
Bakit ngayon ika'y nagbago na?
Ngayon...gusto ko sanang lumayo.
Pwede bang bitiwan mo na rin ako?
Ayoko na. ayoko na sayo.
Ayoko na sa ala ala ng tayo.