Isa sa mga tanging abilidad ng Pinoy ay ang tawanan ang mga mabibigat na problema. Tipo bang bagsak na bagsak na pero kaya pa rin magpakwela. Siguro iyong lalim at lawak ng emosyon na ito ang nagpabenta sa mga hugutan, bilang paraan upang tawanan ang masasakit na karanasan.
At hindi lang sa pagka-bitter, syempre panalo rin ang mga Pilipino pag dating sa pagibig. Usong uso satin ang ligawan, ilang dekada ng nakaraaโt magpahanggang ngayon. At sa palagay ko, ang mga pickup na bagsakan ay syang salamin ng kulturang panliligaw na may modernong timpla.
Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Toto, na maghahatid ng bagong pakulong sana magiliwan ng mga Pinoy sa Steemit.
Patimpalak ng Hugot at Pickup Lines
Iniimbitahan po namin kayong sumali sa aming bagong patimpalak ng mga Linyang Hugot at Pickup at magkaroon ng pagkakataon na manalo ng SBD. Kayaโt mga katropang Pinoy, ilabas nyo na po ang naitatago nyong hugot, giliw at pakwela sa katawan ๐.
Mukhang di naman po ako mahihirapang magpaliwanag kung ano ang Hugot at Pickup dahil alam na alam na iyan ng lahat ng Pinoy. Pero magiiwan na rin po ako ng pa-sampol mamaya. Ngayong linggo ang tema po ng ating paligsahan ay:
๐๐๐ฐ Pagkain ๐๐ฉ๐
Dahil alam naman natin talagang isa pa yan sa mga hilig ng mga Pinoy. Ang Pagkain na tema ay nangangahulugan na dapat ang ilalahok na mga linyang Hugot at Pickup ay mayroong kahit na anong uri ng pagkain.
Ah! Bago makalimutan syempre di basta-bastang linya lang, kailangan may kasamang imahe na parang sa meme challenge hehe.
Mga alintuntunin
- Ang Hugot at Pickup ay dapat pasok sa temang ibinigay ngayong linggo: Pagkain.
- Ang wikang gagamitin ay dapat nasa Tagalog. Maaring gumamit ng ilang salita na nasa Ingles o lokal na dayalekto, pero dapat ang karamihan ay nasa Tagalog.
- Gamitin po ang tag na tagalogbanat sa inyong post.
- I-resteem at i-upvote din po ang post na โto.
- Kailangan po maipasa ang likha sa loob ng 6 na araw matapos malathala ang anunsyong ito.
- Ilagay din po sa likha ang inyong Steemit username.
Ilang pang karagdagang paalala
- Hanggaโt maari ay orihinal at bagong mga linya ang inyong ilahok. Ngunit pinapahintulutan rin po ang paggamit ng mga lumang mga linya.
- Ang imahe na gagamitin ay kailangang may malayang pahintulot upang magamit sa paligsahan (original or free-licensed images only). Isama po sa post ang orihinal na imahe kun sariling kuha o ang url link ng pinanggalingang imahe.
- Hanggang tatlong likha lamang ang maaring isali - 3 para sa Hugot at 3 din para sa Pickup. Mangyari lang po na pagsamasamahin po sa isang post ang mga Hugot at sa isang post ang mga Pickup para po hindi spammer ang peg. Ang lalampas sa naunang 3 ay hindi na po maisasali sa paligsahan.
- Sa pagsali sa patimpalak, naunawaan ng mga kalahok na ang mga likha ay malaya at ganap na magagamit ng
.
Mga Isinasaalang-alang sa Pagpili ng Magwawagi
- Lalim ng #tagalogbanat at aliw factor (wow factor)
- Pagka-orihinal ng #tagalogbanat (originality)
- Malikhaing paggamit ng larawan at teksto (visual impact)
- Dami ng mga kumento (audience impact)
Mga Papremyo
Pagpapaumanhin po at hindi po ganun kalakihan ang papremyo, pero sana maging masayang paligsahan ito para sa lahat. Pero malugod din namin pong tatanggapin ang anuman donasyong papremyo para sa mga kalahok ๐
Hugot #tagalogbanat
1st: 1.25 SBD
2nd: 0.25 SBD
Pickup #tagalogbanat
1st: 1.25 SBD
2nd: 0.25 SBD
Pa-sampol ๐
Para po maging mas malinaw naghanda po si Toto ng pa-sampol. Ang orihinal na linya ay nanggaling sa makulit (at medyo korni minsan) na isip ni Toto. Ginamit po namin ang https://spark.adobe.com para gawin ang mga likhang #tagalogbanat.
Pasampol na Hugot
Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com
Pasampol na Pickup
Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com