Isang taos pusong pasasalamat po mula sa amin ni Junjun sa sumali sa aming patimpalak ang #tagalogsanaysay. Lubos po kaming nag-enjoy sa pagbabasa ng inyong mga inilahok na entry para dito.
Isa ito sa pinaka mahirap na patimpalak namin ni Junjun dahil sa hindi kami nagkasundo sa mananalo. Opo nagtatalo din kami at walang may gustong magpatalo.
Sobrang naging masalimuot ang naging deliberasyon namin na Ininglish nya na ako sa eksplenasyon kung bakit ang pambato nya ang dapat manalo kaya't para naman hindi na magkaroon ng mahabang pagtatalo pa ay minabuti naming magkaroon ng munting kasunduan na hahatiin nalang ang pot money na premyo para sa aming pambato.
Ang orihinal na eskema ng pabuya ay
- 1.5 SBD para sa mapipili
- 0.25 naman para sa apat na kasali pa bilang runner up
Ngunit dahil sa tatlo lamang ang sumali ang naging bagong eskema ay
- 1 SBD para sa aming pambato
- 0.50 para sa runner up.
Ang nagtabla para sa unang karangalan ay ang likha ni at ni
para sa nasabing patimpalak. Ang aking napili para magwagi para dito ay si
ngunit si Junjun naman ay si
ang napili. Basta masalimuot ang nangyari na nasa puntong muntik nang maghiwalay nang landas kaming dalawa para dito. ( Joke lang po ine-xaggerated ko na ito ng kaunti)
May iba pa po kaming patimpalak kaya't maari pa kayong sumali.
TagalogLogo: Patimpalak ng Paglikha ng Logo at Avatar (15 SBD po na papremyo 😊)
Sa ika 20 ng Mayo na ang deadline nito
Papremyo:
| Likhang obra | Pabuya |
| Opisyal na Logo | 7 SBD |
| 2 Abatar na Aming Napili | 8SBD |
TagalogTrail: Kwentong Nanay Isang Patimpalak na Alay sa ating mga Inay
Sa ika 11 ng Mayo na ang deadline nito
Sa mga sumali at balak pa pong sumali maraming maraming salamat po!
Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord
Muli ako po si Toto kasama ang aking hugoterong pinsan na si Junjun isang mapag-palang araw po at hihintayin namin ang inyong mga ilalahok dito.