)
"Hapdi sa Tag-Init"
Sa'yo umikot ang mundo ko
Ngunit ako'y iyong niloko
Inibig kita nang tapat
Pero hindi naman dapat
Kahapon nag-karoon ng milagro
Bakit ngayon ako'y namimiligro?
Pira pirasong mga pangarap
Ano ang natira ngayon sa'yo sarap?
Mga kamay mong bakal
Leeg ko'y sakal na sakal
Sa pag-alis ko sa bahay
Paninibugho mo'y nabuhay
Ako'y biglang kinabahan
Saan ko kaya uumpisahan
Teleponong puro kababalaghan
Tila ika'y may tutunguhan
Sa pag-liban ng gabi
Wala man lang pasabi
Inisip mo sana may asawa ka
Kasalanan mo sagad 'gang bituka
Mga mata na namumugto
Sa pag-iyak walang katoto
Ninais ko mag-bigti na lang
Dahil sa mga babae mong nakasalang
Mga awitin na nag-papaalala sa iyong kataksilan
Kailanman di na ako masasaktan mapunta man sa karimlan
Lumuhod ka man at humingi nang tawad
Huli na ang lahat hindi na kita mapapatawad.
Ipagpaumanhin mo
Hive account@sheshebaylosis kung ang aking tugon ay medyo natagalan, sapagkat ako'y hindi magkandaugaga sa dami ng aking ginagawa. Ngayon lamang ako nakapag-sulat at ngayon ko lamang natutugunan ang iyong tulang ginawa.
