Tanong ng Bayan: Ano ba tong Steemit na lagi ko nalang nakikita sa newsfeed ko at bakit masigasig silang ipromote ito? Scam to malamang.
Eng. Wrong. Ang Steemit ay maraming bagay pero hindi sha scam. Kasi unang una, hindi ka sisingilin at hindi ka magbabayad ng kung anu man para makapagsimula ka dito. Pangalawa, marami na tayong kapwa Pinoy na makakapagpatunay na kumikita talaga sa Steemit. Isa na ako sa mga yan, kasama nina ,
,
at si
. At maraming marami pang iba diyan.
Pero naiintindihan ko kung bakit madami ang may katanungan tungkol sa Steemit. Normal yan sa isang bagay na hindi natin naiintindihan. Kaya ibabahagi ko, sa abot ng aking makakaya, kung papaano nga ba kumita sa Steemit. Maraming paraan jan. Teka ililista ko lahat ng alam ko na.
Kumikitang Kabuhayan 1: Gumawa ng Blog/Post
Ito ang isa sa pinakamadali at malamang pinakapopular na paraan para kumita dito. Halerr. Blogging at social-media site kasi sha.
Ano ba ang pwedeng i-post? Marami yan. May mga nagpopost ng:
- Larawan
- Meme
- Tula
- Maigsing Kwento
- Drawing, painting, at iba pang arts and crafts
- Musika
- Video Blogs
- Simpleng paghahayag ng kung anu mang reseach o opinion sa isang bagay.
Hindi naman yan lang. Baka may hindi ako naisama sa listahan pero yan ang naisip ko agad. Papaano kumita dito? Pag nagustuhan ng ibang Steemians sa komunidad ang gawa mo, i-aUPVOTE (tulad ng 'like' sa Facebook) nila ang gawa mo. Mas marami at mas matimbang ang upvote, mas malaki ang kita.
Mga magkano ang kita sa pagpopost? Iba iba e. Dahil depende nga sa votes na makukuha. Pinapahalagahan sa komunidad ang original content kaya kung may larawan o kung may pinagkuhanan ng detalye, dapat nakalagay sa gawa mo ang pinanggalingan nito. Credits ba.
Kung hindi ka mahilig magkwento o gumawa ng blog post, wag mag-alala. May ibang paraan pa para kumita sa Steemit.
Kumikitang Kabuhayan 2: Magcomment sa Posts na Nabasa
Teka, linawin ko lang muna. Hindi ibig sabihin na kapag gumawa ka ng 10,000 comments per day e may malaking malaking kita ka na. Tulad ng sa posting, ang comments ay kumikita depende sa dami ng boto.
Iniisip mo siguro, Naku botohan naman pala, popularity contest ito? Hindi naman sa ganun. Sa totoo lang sa karanasan ko dito, basta nakikita na talagang binasa at pinagisipan ang comment, makakakuha yan ng upvote. Eto bigyan kita ng sample.
Rewards: Rewards (in SBD) of the corresponding comment
Votes&Replies: Total net votes & Total child comments(Replies)
Mula sa ulat ni na ito, naka 113 comments pala ako at $68 rewards diyan. Napaisip tuloy ako, mag-full-time commenter nalang kaya ako? Hahaha.
Pero seryoso nga, may mga comments ako minsan na mas malaki pa ang upvote value kesa sa blogposts. Ang sa natatandaan ko, $12 ang pinakamalaking nakuha ko sa isang comment upvote. Di na masama di ba.
Dito, panalo ang mga chikadora hahaha.
Kumikitang Kabuhayan 3: Sumali sa Kontes
Bilang isang certified kontesera, ansaya ko nung nalaman na may mga kontes din dito. Eto ang ilan sa mga nasalihan ko na.
May mga napanalunan na ko sa mga yan pero kahit wala, masaya sumali kasi lakas maka-drive ng creativity! O dahil ba sa prize kaya na da-drive? Hahaha. Eto sample ng pinaka-nakatuwaan ko sa mga gawa ko dahil sa kontes.
Maraming iba't-ibang kontes sa Steemit tulad ng *Photo contest, Singing contest (no joke ito), Poetry Contest. Short-Story Writing Contest, at mga kontes na pampasaya lang. Makikita mo ang mga ito sa tag na 'contest'.
Click mo yung icon ng picture mo o ng avatar mo sa upper-right corner ng Steemit page mo, tapos piliin ang 'Feed'.
Dadalhin ka nya sa home feed mo kung san makikita ang posts/ resteems ng mga finafollow mo. Sa kanang-bahagi nandiyan yung 'Tags and Topics'. Hanapin mo yung tag na 'contest' lalabas sa feed mo lahat ng mga ginamit ang tag na yan. Pero may ibang contest din tulad ng mga tags na may 'challenge', kadalasan kontes sila.
May ginawa dati si na listahan ng mga pakontes dito, di ko lang sigurado kung lahat ba ongoing pa, pero check mo narin dito. Pero ang sigurado ko lalo pang dumami ang mga nagpapakontes dito.
Kumikitang Kabuhayan 4: Magbigay ng Serbisyo Kapalit ng Steem o SBD
Kung nasubukan mo na ang freelance work, parang ganun din yan. Marami dito na hihingan ka ng tulong sa 'expertise' mo para ipagawa ang ibang bagay na kailangan nila. Halimbawa kung web developer ka at may proyekto na nangangailangan ng ganito at swak ang skills mo, pwede ka nilang i-konsider na gagawa para sa kanila. Ang iba nagpapagawa ng logo, painting, tula, o maiksing istorya. Iba iba. Ang pinaka popular sa ganito yung Steemgigs na tinatawag. Kung ineresado kang may ipagawa, o kaya ay i-offer ang serbisyo mo, pwede mo silang hanapin dito sa discord mababait mga tao dun.
Minsan, whaleshares o kaya beyondbits ang ibinibigay sa gawa mo. Pero lahat ng ito magagawan ng paraan na maging PHP.
Kumikitang Kabuhayan 5: Curation
Ito ang isa pang kagandahan ng Steemit, pwede kang kumita sa 'Curation'. Ano ang curation sa steemit? Ito ang paghahanap, pag-upvote at pagresteem sa gawang de kalidad, na maaaring mag-trending. Ganito, halimbawa may nakita ka sa feed mo na bonggang article, binasa, inupvote at niresteem mo. Sa ginawa mong pagboto at pag-resteem may kita ka na.
Ang laki ng kita sa curation depende sa mga ito-
- Laki ng Steem Power mo
- Laki ng kita ng post
- Timing ng pag-upvote o resteem
May mga factors pa dito malamang na di ko nabanggit. Eto ang makikita sa FAQ section tungkol sa curation:
Nosebleed ba? Hahaha, I know right? Teka subukan kong paliwanag.
Ang post reward ay hinahati sa ganito- 75% sa writer at 25% sa curator. So malinis na yung 75% sa writer. Ang 25% ng curator/s pwede pa mahati kung binoto ang gawa sa unang 30 minuto pagkapost nya. Ganito ang hatian kung binoto sa unang 30-minuto:
- Kung kakapost pa lang upvote na, 100% mapupunta sa writer.
- Kung sa 3-minuto pagkapost, 90% sa writer at 10% sa curator.
- Kung 15-minuto, 50/50 sila. Hating kapatid.
- Kung 27-minuto, 10% sa writer at 90% sa curator
- Kung ang boto pagkatapos ng 30-minuto, 100% sa curator.
Subukan nating lagyan ng values. Halimbawa yung post kikita ng $40. Bale ang 75% nito sa writer agad, $30 yun. Ang natitirang $10 ganito mahahati:
- Kung kakapost pa lang upvote na, $10 mapupunta sa writer.
- Kung sa 3-minuto pagkapost, $9 sa writer at $1 sa curator.
- Kung 15-minuto, 50/50 sila, tig $5.
- Kung 27-minuto, $1 sa writer at $9 sa curator
- Kung ang boto pagkatapos ng 30-minuto, $10 sa curator.
Nakakalito talaga ang Math nya. Basta ako ang mahalaga alam ang basics tapos basta kumikita. Hahaha.
Kumikitang Kabuhayan 6: Mag-invest sa Steem
Hinuli ko to kasi investment sya na maglalabas ka ng pera mo. Ang Steem ang cryptocurrency ng Steemit, na inaasahang lumaki ang halaga habang lalong nakikilala ang platform. Ako nakabili ng konting Steem nung $0.33 pa lang ang presyo ng bawat Steem. Ngayon mahigit $1 na, umabot pa sa $2 nitong nakaraan. Ibig sabihin, kung nakabili ka ng 303 Steem sa Php 5, 000 mo nuong $0.33 ang presyo ng Steem, naging Php 30, 300 sha kung binenta mo ang steem nung $2 sya. May disclaimer ako dito, hindi ako financial advisor, nagshishare lang.
Ayan, yan na lahat ng naiisip kong paraan pano kumita sa Steemit. Kung may naiisip kayo na di ko nalista, comment naman jan! Hehe.
Siya nga pala, kung di nyo pa nagagawa, supportahan natin at iboto bilang witness sina at
. Napaarami na nilang nagagawang mabuti para sa mga Pinoy steemian, at higit pang marami ang mga proyekto nilang ilalatag.
Punta lang sa https://steemit.com/~witnesses
Makikita sa baba na naiboto ko na sila, pero i-type mo lang sa box ang cloh76.witness at click mo yung 'VOTE' para kay . Ang kay
naman i-type at vote ang steemgigs.
Follow at supportahan din natin ang . Proud akong sabihin na kasama ako jan. Try mong bisitahin ang
page makikita mo ang adhikain ng grupo. Makikita mo rin dun ang ibang nailathala na ni
at
sa mga nagawa at nais pa nilang gawin.
O siya, napakahaba na naman nito. Sana may napulot ka kahit papaano. Kitakits ulit sa susunod na post!