LIHIM
Janelyn Lechido
Ang hirap makapagsabi
Lalo na’t walang tayo.
Ang sakit sakit isipin,
Na ako’y hindi pa sa iyo.
Pag-ibig na nililihim
Nais ko sanang sabihin
At nang sa iyo’y madama
Ang tunay ko na pag sinta
At hindi ko na kinaya
Ang bigat na aking dala-dala
Nais ko ng sabihin ang tunay na nadarama
Na ikaw at ako sa pangarap ay iisa.
Image source