Sa Umaga'y sumisilay, sa maamong mukha,
Taglay mong kagandahan ako’y nabighani na,
Tulad ng bulaklak iingatan hangang sa namumukadkad .
Matitingkad na mga kulay, walang kasing ganda,
ang iyong bangong humahalimuyak ako ay nahalina,
Parang paru- paro, puso ko sayo’y nabihag.
Buhay kong nanghihina na nawalanan ng sigla,
Sa hardin ng puso’y nagkaroon ng pag asa,
Halika ka na at diligin, sa pagmamahal mo’t pag aalaga.
Dalisay na hangarin sa’yo lang iaalay wala ng iba,
Mga Bulaklak na sagisag, pagmamahal na walang katumbas,
Ang pusong busilak, pundasyong matatag.
Panahon ay lilipas, Ganda’t bango’y kumukupas
Mga araw na daraan, Dahon mo’y unti-unting nalalagas,
Pero di patitibag, lalong tumatatag ang pagmamahal na wagas.
Pagdadaanang pagsubok , mga problemang hinaharap,
Ang mga unos o bagyong darating, di magtatagal ng habang panahon.
Pangakong ‘di pababayaan ,sissikaping ito'y pakakaingatan, sumpaang magpakailanman.
Photo is mine
Thank you for stopping by:-)
Peace and blessings, God bless us all :-)
Please support as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
(Photo credits: from sir 's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
(Photo credits to )
(©️ )