Wala nang makahihigit pa sa ganda ng ating sariling bansa. Wala nang mas magbibigay ng aliw at ligaya sa atin kaysa sa sariling bayan.
Bayan kong kinalakihan
Aking ipapangalandakan
Ito'y aking tahanan.
Marami man ang nangyaring di maganda
Mangingibabaw pa rin ang alaalang masaya.
Wala nang iba pa, hahanap-hanapin ko pa rin siya.
#pilipinas kong mahal
" MAHIWAGA: Ang Aking Paraiso"
Sa kanyang pagmulat,
liwanag ay isinaliwalat
Isang madilim na nayon,
sa kanya ay umahon.
Rosas ang mukha niyang puno ng ligaya
dumudulog sa pusong umaalala.
Buhay siyang bumabalot sa kanya
bumubulong ng saya na di ako magsasawa.
Ang mga haplos niya sa aking mga balat
Di malimutan at sadyang bumabakat
Kay sarap niyang tanawin buong maghapon
kakaibang gandang lagda ng Panginoon.
Ngayong ako'y nasa ibang lugar na
minsanan nalang ang aking pagbisita.
Sa tuwing nag-iisa, kasama ko ang aming ala-ala
Kabog ng dibdib ang panahon nung kami'y magkasama.
Magpakailanman sa aking mga gunita
Lumang ala-ala niya'y hindi mawawala
Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda
Pagkatao niya ay mananatiling mahiwaga.
follow, upvote, resteem
Here's my other poems:
Bisaya ni Bai!
https://steemit.com/poetry/@gail2911/a-promise-of-forever-patay-ng-gugma
https://steemit.com/introduceyourself/@gail2911/a-piece-of-me-greetings-from-me-to-you-simply-for-me-and-you
-Love Love Gail