Noong una tayong nagkita, tayo ay mga bata pa.
Ipinakilala ng kaibigan ko na kaibigan mo rin pala.
Ang araw ay palubog at ako ay magpapaalam na.
Sabi mo madilim, sasamahan na kita.
Bago makarating sa dyip at sasampa na.
Kinuha mo ang numero at sabi mo tatawag ka.
Doon nag-umpisa, sakin ay may nadarama.
Ako'y nagulat dahil hindi ako handa.
Ngunit di naglaon sa pag-ibig mo ako'y nahulog na.
Diko naalala ang bilin ng aking ina.
Sabi niya anak magaral ka 'wag gayahin ang iba.
Ngunit anong magagawa ako ay umibig na.
Ang aking ina at ama ay nagpasya.
Ako'y ilalayo sa'yo patungo sa Maynila.
Gumawa ako ng paraan para ika'y makita.
Nagpaalam,niyakap at hinagkan ka.
Mahirap, masakit na parang ayoko na.
Ang pagiibigang itoy magtatagal ba?
Sabi nila makakalimutan din Kita.
Hindi ko ito inisip at hindi rin ininda.
Lumipas ang maraming taon at aking naalala.
Mga pinagdaanang hirap at saya.
Minsan ako ay natatawa at minsan naluluha.
Sa tuwing naalala unang taong nagsabing mahal kita.
Hindi naman masamang biglang maisip ko siya.
Dahil paminsan minsan ko lang siyang makita.
Oo,mahal na mahal ko parin siya alam lahat nila.
Kahit dalawamput tatlong taon na.
Dahil Alam kong ako'y mahal din niya.
Siya ang lalakeng nagbigay ng katuparan na ako'y maging isang ina.
Napatunayan namin sa lahat ng madla.
Ang pag-ibig na wagas ay sadyang itinadhana.
I am grateful that I was able to make my very first Filipino poem entry. I hope to make an English poem too, someday. God willing. Thank you my fellow steemians for your time in reading my poem. God bless us all.
Please support by voting him as witness and support steemgigs too
(Photo credits: from sir 's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
and let us also support by voting gratefulvibes.
Thank you very much and God bless. :-)
I am Marilou Avecilla Choy, a.k.a
Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG
