Kapag sila'y nakikita, ako'y talagang napapa nganga.
Matangkad, maputi, parang manika ang mukha.
Iba-iba ang kulay ng mata, ilong na mataas, labi na pula.
Ako'y humarap sa salamin at napatanong ng...nasaan ang hustisya?
Bakit kabaliktaran ko ang kanilang mga hitsura?
Nasaan ako ng nagsabog ng ganong biyaya?
Tulog ba ako o tinamad lang ba?
Ngunit napag alaman ko sila'y kawawa.
Hindi sila nakakakain ng sapat at tama.
Dahil kailangan nila imentena kanilang pigura.
Nakita ko ang mga iba payat na payat na.
Mistulang buto't balat sobra.
May sakit na pala na ang tawag ay "Anorexia".
Ako'y napatingala at nagsabi Kay Bathala.
Salamat, sa 'king singkit na mata pero nakakakita.
Salamat, sa 'king ilong na nakadapa maluwag na nakakahinga.
Salamat, sa 'king malaking bunganga na magana.
Salamat, sa 'king mga braso na matataba.
Salamat, sa 'king maiigsing mga paa.
At pinakamahalaga sabi ng aking asawa.
Ayos lang kahit na ako'y maging dambuhala.
Sa akin ikaw pa rin pinakamaganda sa balat ng lupa.
Image Source(direct link to img)
Thank you for your time in reading my poem. God bless us all, my fellow steemians. :-)
Please support by voting him as witness and support steemgigs too
(Photo credits: from sir 's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
and let us also support by voting gratefulvibes.
Thank you very much and God bless. :-)
