Marahil ang karamihan sa inyo'y nagtataka
Kung bakit kadalasang mga tula ko'y may hugot
Malalim ang pinanggalingan aking mga akda
Sa kadahilanang ito, ako ay may patnugot
Sa tinagal-tagal ko na ring nabubuhay dito
Ay marami na rin akong mga napagdaanan
Mga masasaya at magagandang karanasan
Na ibig ko'y wala na sanang katapusan ito
Mayroon din namang malulungkot na kaganapan
Mga karanasang ayaw ko nang balik-balikan
Sapagkat ito'y mga masasakit na pasanin
Na itinakwil at sadyang mabigat sa damdamin
Mga ala-alang pilit kong kinakalimutan
Ito'y aking binubura sa puso at isipan
Upang walang matirang bahid ng kalungkutan
Hanggang sa tuluyan akong ganap na malaya
Ngunit ang lahat ng ito pala'y may katapusan
Masaya man o malungkot, lahat ay lilipas din
Nag-iiwan ng matinding aral sa ating buhay
Mga aral na mistulang mahiwagang palaisipan
Tama ka kaibigan, ang lahat ay lilipas din
Ang lahat ay magkakaroon din ng katapusan
At tayong lahat ay nabigyan ng pagkakataon
Sapat na dahilan upang patuloy na bumangon
Ako po si a.k.a.
, nag-iiwan ng isang matinding bagsak ng isang napakamalamig na umaga sa inyong lahat. :-) Pagpalain nawa tayo ng Diyos. :-)❤️

Image Source(direct link to img)
Have a blessed Summer month of April 2018 everyone :-)❤️
I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)
is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
(Photo credits: from sir 's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box
Other good witnesses to recommend:
They need our support
Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG
