Tayo na at manghuli ng isda sa aming munting palaisdaan!!
Ang saya saya, ngiti na hindi mapapantayan.
Ang buhay sa probinsya ay laging panalo.
Simpleng buhay, simpleng gulay at pagkain ay okey lang.
May malunggay, kamote, kanggos at ipa ba.
Ayan ang pinsan at kapatid ko na may salakot pa.
Sa aming maliit na baryo, sa probinsya.
Sa sapang yan, maraming isdang mahuhuli, may hito,palos at tilapia.
Minsan ako ay nagtataka dahil hindi nauubusan ng isda sa munting sapa.
Hindi lang isda mayroon sa sapa, kundi linta at si kalabaw na nakiki ligo pag nainitan.
Kung may fiesta o okasyon kadalasan naghuhuli sila ng isda.
O kaya naman, kapag may kamag anak na darating mula sa Maynila.
Espesyal di ba?
Ganito naman pag nag iiga ng tubig sa sapa. Para mabawasan ang tubig.
Haharangan ang sapa gamit ang putik at pinadadagos ang tubig para mas mababaw ang sapa. Pag mababaw na ang sapa saka pa lang kayo lulusob para hulihin ang isda.
Dala- dala'y balde, para doon ilagay ang mga huling isda.
Minsan hindi lang kamag anak ang manghuhuli, pati kapit- bahay mo at nakiki huli din. Masaya sa probinsya, nagsasama sama, salo- salo at nagtutulungan.
Gamit ay "salakab" na gawa sa kawayan, pabilog iyan at kung may nakita kang isda. Salakab ang gagamitin para mas mabilis mahuli ang isda, maputik at makakapitan ka ng linta. Pero okey lang dahil masaya naman lahat.
O, sige hanapan ng isda ah, dyan ka parte, dito ako.
Dyan mas madami dyan, malaki at matatabang isda.
Parang buong barangay nakikihuli na ata ng isda.
Narito ang ilang huling isda. Hindi ko na sinama ang ibang isda na huli.
Dahil isinaalang alang ko ang mga kakilala at kaibigan kung hindi kumakain in isda. At ayaw nilang nasasaktan ang hayop kagaya ng isda.
Sana ay nagustuhan ninyo ang aking munting kwento sa aming baryo.
Kung paano manghuli ng isda sa sapa. Simpleng bagay lang iyan na nagpapasaya. Hindi man kami mayaman, subalit mayaman naman kami sa kasiyahan at pamilya. Simpleng ulam lang at okey na okey na. Kaya saan ka pa, tara na, sa aming Fishville sa probinsya!
Ikaw naranasan mo ba ang ganito sa probinsya? Kaway-kaway dyan!
Lahat yan ay naransan ko pati makapitan ng linta. Madami akong ala- ala sa aming probinsya na nagpapasaya sa akin. Simpleng bagay pero hindi mababayaran ng kahit sino man. BOW!
P.S. sabi ko sayo eh taga bundok ako eh ayan oh LOL
Hanggang sa muli.