Sana ay ikaw na nga...Maraming sakit ang dinaanan. Umibig ng ilang taon, pero lahat ng iyon ay hindi nagtagal. Mga pangakong napako, mga matatamis na salita na nawalang parang bola. Dumating ang isa, dalawa, pangatlo at ang huling dumating ay pang apat na. Sana ay ikaw na nga....Muling binubuksan ko ang aking sugatang puso sa iyo. Pagod na akong maghanap, maitaboy, pagod na akong mag hintay sa wala. Pagod na akong magbilang ng araw para ang makapiling ka. Ayoko na, dasal ko ay ikaw nga at sana ay tumagal ang ating pagmamahal hanggang wakas.
Ang paghihintay ko ng ilang araw, linggo at buwan, mabuti at hindi umabot ng taon. Ibinigay ka na. Ikaw na nga ba? Huwag mo na akong iiiwan, dahil tapat akong magmahal. Ikaw lang at wala ng iba....
Mga besh, parang pag-ibig lang din ang telepono ko. Ang pag ibig ay parang pagpili at pag order ng telepono, sya na nga ang nararapat sayo? Sapat na ba ang pag-ibig nya? Darating din sya alam ko, maghintay ka lamang at isama mo ang dasal. Sabi nga sa tamang panahon. Ilang telepono na ang na order ko at hindi ako pinalad. Pinaasa, binuksan at yong isa may depekto. Dumating na sya si Sammy. Sana ay sya na nga. Walang basagan ng trip mga besh hehe #steemitserye ang peg lang lols.
Keep shining everyone.
Gratefulvibes Discord https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord https://discord.gg/hdDwXeu
Steemitserye an d Steemidora full force https://discord.gg/w8XfQCj
Steemgigs Discord https://discord.gg/4UyAJgB
Please continue to support
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl in the Steemian Forest