Mukhang hindi naman malakas, mukhang ambon lang naman
Ayokong mabasa, ayokong maligo at magpalit ng damit
Uwi na tayo ayokong malamigan."
Ngunit malayo pa ang bahay para makasilong
Puro kagubatan at mga kakahuyan lang ang nasa kapaligirin
Kumulog ulit ng napa kalakas, parang magigiba ang langit.
Pero ng malapit ka na sa bahay ay hindi naman umulan
Makulimlim lang ang ulap at mukhang nanadya lang
Nakahinga ka ng maluwag dahil akala mo ay bubuhos ang malakas na ulan.
Ang bagyong paparating ay napakalas, mga ulan na hindi mo inaasahan
Mga probemang dumadating na akala mo wala ng katapusan
Ginising ka lang pala ng Amang nasa langit para sabihin sayo...
Lumakad ka, at huwag ka munang sumilong, hindi naman lahat ng suliranin sa buhay
Ay nakakalunod kundi ito ay tanging aral lamang
Sya ang may remote control kung gusto nyang patilain ang ulan.
Minsan mas mabuting mabasa sa ulan
Para maranasan mo ang mga bagay na magpapalago sa yong katauhan
Dahil sabi nga, lahat ng pagsubok ay malalampasan
Dalangin sa Maykapal at tatag ng loob ay iyong kailangan.
Lahat tayo ay may kanya kanyang krus na pasan sa buhay
Ang mga problema ay naglakas ng iyong pananampalataya
Lahat ng ito ay isang pagsubok lang......
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write
The village girl
This post was made from https://ulogs.org