Nasaan ang daan, nasaan ang liwanag?
Tila naliligaw, nagtatanong kung tama ang patutunguhan
Madilim na daan, ako ay nasisilaw lahat sila ay nasa unahan
Sa kanan, sa kaliwa, sa gitna or titigil na lang sa daan.
Walang makatanungan, walang magawa kundi maghintay
"Dito, dito, oo iyan ang dapat mong tahakin" ang sabi nila
Takot pumunta sa dapat puntahan, nasa tabi at hindi makagalaw
Takot na baka mahusgahan ng mga matang bilang ang bawat galaw.
Bakit mo nga ba iisipin ang sasabihin ng iba?
Hanggat wala kang ginagawang masama iyon ang mahalaga
Huwag mong pigilan ang iyong sarili na magsaya
Ilabas mo ang talento mo at ipakita mo na kaya mo kagaya din
Subukan mo muna bago ka umiling at humindi
Dahil alam kong kaya mo din kung ano ang kaya nila
Maniwala ka sa iyong sarili at huwag padidikta sa iba
Ang tunay na kaibigan ay susuporta kahit saan ka man mapunta.
Magandang araw sa yo. Gorabels! lols
Please continue to support
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl in the Steemian Forest