Sa bawat pagpatak ng iyong luha, sa bawat sugat sa iyong puso. Tumingin ka sa langit. Sa bawat hirap at iyong pagtitiis, sa bawat higahos na iyong nararanasan ngayon. Tumingin ka sa langit. Sa bawat pag gising mo sa umaga na tila pa parang walang ng pag-asa na naghihintay. Umaasa, nagdadasal sa Poong Maykapal na sana ay maibsan ang bigat sa dibdib na iyong pinapasan.
Sa bawat araw na dumadaan at pakiramdam mo ay lalong walang nakikitang linawag. Tumingin ka sa langit. Balikat mo ay lupaypay, walang ngiti sa iyong mga labi. Madilim ang paligid at umaasang isang araw ay maibabalik din ang lahat. Nakakapang hina, hikbi at unan ang iyong kadamay. Diyos Ama, tulungan mo na ito ay aming malampasan. Nagsusumamo ay kaya naming labanan.
Habang lumulubog ang araw at sumisikat ang araw, tayo ay may pag-asa. Habang may ulan na nagbibigay pangtawid uhaw sa natutuyong halaman, tayo ay may pag-asa. Habang ang mga ibon na lumilipad ay nabubuhay ng malaya kahit walang nag aalaga, tayo ay may pag-asa. Habang ikaw ay may hininga, tayo ay pag-asa. Pagkatapos ng unos at bagyo sa ating buhay, alam kung tayo ay babangon sa bagong umaga at sisigaw ng "Ako ay may pag-asa, bagong umaga, bagong simula, bagong araw!"
Keep Shining everyone.
Gratefulvibes Discord https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord https://discord.gg/hdDwXeu
Steemitserye an d Steemidora full force https://discord.gg/w8XfQCj
Steemgigs Discord https://discord.gg/4UyAJgB
Please continue to support
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl by the Steemian Ocean