Kamusta mga Katropa!
Ako po si Toto ng na nagbibigay ng anunsyo tungkol sa naganap na patimpalak na #tagaloglogo.
Grabe ang tagal bago kami nakapag anunsyo. Medyo marami kaming inasikaso ni Junjun nitong linggong ito isama pa ang enrollment. Tapos ngayong Sabado at Linggo wala pa si Junjun kaya ako muna ang tao sa account na ito. Nagfamily reunion sila! 😖😠Hindi ako kasama.. kasi sa kabilang pamilya yung reunion ang daya may pa swimming pa.
Anyhow nawawala na naman ako sa sense kaya i-aanunsyo ko na ang mga nagwagi para sa patimpalak.
Unahin natin ang TagalogLogo
Wala na talaga Tarsier na talaga ang Logo namin pagandahan nalang ng pagkakagawa kaya ito ang napili namin ni Junjun na gawing Logo. Nagustuhan din namin ang ideya kung bakit ito ang kaniyang napiling inspirasyon para sa aming munting logo. Kaya maraming salamat dito at mula sa araw na ito ang logong ito na ang gagamitin ng #tagalogtrail para sa aming opisyal na logo.
Para naman sa aming Abatar ang aming napili ay ang
Gawa ng batang si hahaha ang cute ko! Tapos yung explaination na mahinhin parang hindi naman pero sige plus points na yan. Basta ang cute ko tapos yung kay Junjun na description ng kulay na buhok yung kulay
taebrown. Ganun na ganun sya! Hahahahha pwede ko syang ibash ngayon sa post kasi next week pa ang balik niya nyahahhahah
Kaya't ayan po naririto ang aming mga napili at para sa kanilang premyo naipadala ko narin po ngayon :)
Balak din naming gumawa ng separate na account ni Junjun ngayon para sa pag co comment. Kasi madalas pag nag co-comment ako akala nila si Junjun ang nagcocoment. Mga naisip kong pangalan ng bagong account
*pabebe-toto
*trail-toto
*toto-bibo
*Junjun-sungit
*Junjun-brown
*junjun-pasaway
Kung may naiisip kayong pwedeng pangalan ng account pwede din kayong mag comment sa dulo. Hehehe patay na talaga ako kay Junjun pagbalik nya may palo na naman ako ng ruler nito, ang masama yung T-Square ang maihambalos sa akin sa kakulitan ko.
Muli maraming salamat po sa pagsali! At mabuhay ang wikang Filipino!