Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.
Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.
Ang lahat na mai fi feature sa post ko po ay makakatanggap ng SBD rewards mula sa akin. Dibale 50% ng SBD reward ay ipapamahagi sa lahat ng napasama dito. Hindi naman ganun kalaki ang pa SBD ko dito heheh kaya't ayos lang swerte nang umabot ng 2 cents.
Literaturang Filipino : "ROOM 317 10:38 P.M." ni 
"T-t-tama na..." paulit-ulit niyang sambit. Kahit hinang-hina na, patuloy siyang nagmakaawa. "Utang na loob… tama na…" Isa, dalawa, tatlo... hindi na niya nabilang kung ilang ulit iyon ginawa sa kanya. Wala na siyang lakas ngunit patuloy siyang nagpumiglas. Napasulyap siya sa relong bilog na nasa dingding. 10:38 PM. "Anton..."
Una kong napansin sa pangalan ng mga karakter ay mala FPJ's Probinsyano. Tapos habang unti-unti ko syang binabasa ng buo doon mo ma re realize na oo nga mukhang tama nga ako. May detectives at iba pang karakter pero sympre may mahika din kasi ayun ang tema ng patimpalak ngayon ng
Literaturang Filipino: Ang Mahika ng Pag-ibig ni 
Isang gabi, may isang lalaki na ang pangalan ay Fidel. Si Fidel ay nasa ika apat na taon sa high school at labing anim na ang gulang. Nakatambay siya sa kanilang bintana na nakatingin sa langit na puno ng bituin. Mayamaya, pumasok ang kanyang inay.
Isa lang ang masasabi ko huwag mo muna syang iclose pagkatapos mong basahin ang unang pangungusap. Malilito ka sa una kung bakit may mga date ang ibang parte pero sa huli mapagtatagpi-tagpi ang lahat. Yung plot twist talaga ang nagdala dito. May mahika ba? Hmm meron din naman pero hindi ganun ka mahiwaga para sa akin.
Tulang Filipino - "Tsokolate" ni 
Ang tsokolate ay kay sarap papakin
Pero hinay lang baka masira ang ngipin
Baka mabutas at tuluyang mangitim
Kaya pagkatapos kumain, agad sipilyuhin
Isang matamis na tula patungkol sa tsokolate, para sa mahihilig sa tsokolate.
Sa Likod ng Linggo ng Muling Pagkabuhay (poem#16, My 30days poetry challenge ni 
Ang pagka-Diyos lang naman Niya ang Kanyang iniwan
Nagkatawang tao upang tayo ay magkamit ng kaligtasan
Nakipamuhay upang tayo ay maunawaan
Kay ang ating mga hirap Kanyang nararamdaman
Isang mapagpalang Linggo ng Pagkabuhay para sa ating lahat.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito at pwede din nyo po akong tawagin pag may nakita kayong post na tagalog. Nagana na si Ginabot sa akin kaya makikita ko po agad.
Mayroon na pong FB Page si Toto! kaya't kung may oras kayong bisitahin ang aking FB Page at basahin ang ibang likha ng mga Pinoy dito sa steemit pwedeng-pwede po! Wala po akong discord kaya kung may message kayo pwede din sa FB Page nalang.
https://www.facebook.com/tagalogtrail/
Pwede nyo po iyan ilike at i-share na din sa inyong FB account para mas maraming makabasa ng inyong mga likha.