Ito ang aking unang post kaya't sana ay inyong supportahan ito.
Ang ay isang proyekto na kung saan naisip namin nila
at
na bigyan ng munting parangal o awdyense ang bawat manunulat sa wikang Pilipino. Kung iisipin nyo madali lang naman talaga maging isang curator, kailangan mo lang magsuri ng mga akda o post na nasa steemit na sa tingin mo ay swak sa panlasa ng iba.
Sympre ang panlasa ng iba ay maaring iba parin sa iyo ngunit may mga bagay kaming kino-konsidera nila Junjun at Lingling bago kami mag comment o kahit na magfeature sa Tagalogtrail daily post at ito ang mga iyon.
1. Dapat ang iyong likha ay orihinal at hindi ginaya.
Toto paano nyo ginagawa iyan?
Sa pamamagitan ng FB search, kukunin namin ang isang pangungusap o kahit na isang talata mula sa post at ipe paste namin sa FB search bar. Kapag may lumabas sa FB gaya ng mga pages na ito Filipino Spoken Word, Spoken Word Poetry PH Tagalog Spoken Word Poetry at Wattpad.com binabasa parin namin ang akda ng buo at kinukumpara kung ang awtor pa sa steemit ay sya ring awtor sa nasabing site. Madalas kasi ay nakopya lang ibang akda sa mga pages na ito. Sympre bilang isang manunuring Pilipino dapat original ang akda ang meron dito. Nasisira ang reputasyon ng steemit.com kung maraming mga post na kinopya at nawawalan ng pagkakataon ang ibang gumagawa ng kanilang orihinal na likha na mas makilala pa.
Pwede ka ring gumamit ng google.com at ang paborito ng iba https://smallseotools.com/plagiarism-checker/
2. Dapat malinaw ang mensahe ng akda, minsan yung magbibigay aliw din
Sa pagsusulat ng akda ay dapat mapukaw mo ang atensyon ng iyong mambabasa. Maaring maging kwela ang iyong akda gaya ng kay na o kaya naman ay ang mga bentang Hugot ni
o ang mga makabagbag damdamin na likha ni
o ang mabentang nobela
mapungan landi ni . Dapat talaga ay maging malinaw ang iyong mensaheng maiparating.
Kapag nagawa mo na ang mga nabanggit at alam mo na ang "niche" ng iyong likha hindi lang curators gaya namin ang makakapansin sa iyong likha sympre pati narin ang mga mambabasa. Nga pala lahat tayo na nasa steemit ay curator din ang tawag. Hindi lamang kami o ang mga taga curie, bayanihan at best of ph. Lahat tayo ay involve basta aktibo sympre.
Sa totoo lang madali lang naman ang ginagawa namin, ang problema lang madalas ay kung sino ang mas karapat-dapat at yung pumasa sa mga standards na nilatag namin yung nag excel ba. Kasi gustuhin man naming suportahan ang mga akdang Pinoy sympre limitado lang ang powers namin nila at
kaya minsan may concensus pa.
Basta ang maipapayo ko lang lagi ay ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat at sympre mag comment ka din sa mga nagbabasa ng iyong akda. Isang simpleng pasasalamat sa pagbabasa ay ayos na. Social media din ang steemit kaya't hangga't maari ay makipag interact ka parin sa ibang mga post yung hindi lang sa post mo lagi.
Ayun! Pwede na yan sa 1st post ko dito hehehe napag-usapan naming tatlo nila at
na gagawa din kami ng mga post pag may oras para naman mas makilala nyo kami ng bahagya. Pag hindi kami nag cucurate at sympre sasali din kami sa mga contest kung kakayanin ng oras.
Shameless plug nga pala ayan may pa contest ang mga ka tropa namin
100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala
#PaboritongAlaala ang mga throwback moments nyo po ay pwede nyong i share sa wikang Tagalog ni
At si Tropang ay merong ding patimpalak
"Word Poetry Challenge #6". Tema : "Aking Ina" | Tagalog Edition
Ang topic ay tungkol sa Inay. Hmm sasasali kaya ako dito? Baka di nalang hahaha promote promote muna ako