Ang tulang ito ay para sa patimpalak ni
Hive account@tagalogtrail na ang layon ay dugtungan ang tulang ginawa ni
Hive account@llivrazav. Hindi ako masyadong nagsusulat sa ating lengwahe kaya sana ay masayahan kayo sa aking akda.
Photo source
Natatawa akong maalalaKung paano ko sinambitAng pangakong hihintayin kita At kung paanong hanggang ngayon dama ko pa rin ang paitSa tuwing nakikita ang ngiti sa 'yong mga mata
Sa mga panahong hinintay kitaHanggang ngayon, di ko pa rin mawariKung paano mo kami pinagsabay dalawa.Totoo nga, ang mahalin ka at umasa ay isang malaking pagkakamali.
Ang sumbatan ka sa lahat ng sakit
O pakiusapan ka na sa akin ay manatili,
Ay mga bagay na sa akin ay iyong ipinagkait.
Dahil sa simula pa lang, "walang tayo" ang lagi mong sambit.
"Walang tayo", mga salitang umaalingawngaw at tumatagos sa aking isip at puso.
"Walang tayo", dalawang salitang nagpaguho ng aking mundo.
Oo, walang tayo. Kahit na sana'y sapat na ang kunting oras na masaya ako sayo.
Sa akin ang buong araw mo habang kapiling mo sya at kayakap sa tuwing pagtulog mo.
Nung sinabi mong mahal mo akoPara akong nasa duyan, abot langit ang saya ko. D ko man maintindihan kung bakit ako'y naniwala sayo Pero, anong magagawa ko kung siya ang nauna sayo?
Ako ay humuhugot din sa wikang Ingles. Maari ninyong basahin ang aking tula at fiction story dito at dito.
Maraming salamat sa pagbisita sa aking pahina!