Maligayang kaarawan aking mahal na kaibigan
Kaibigan na mas gugustuhin kong makaibigan
Iniibig kita kahit ako'y isa lamang sa iyong mga kaibigan
Sana ang pagiging magkaibigan natin ay walang hangganan
Ngayong araw na ito sana ikaw ay magsaya
Hindi mo man ako makasama, hangad kong ikaw ay maging masaya
Gusto kitang dalhin sa labas o e-date
Ngunit malas ako, mayroon ka na palang ka-date
Wala akong karapatan
Gusto ko lang ikaw ay makamtan
Subalit naiintindihan ko aking minamahal na kaibigan
Nakilala kita sa maling panahon, maling pagkakataon
Gusto kitang hintayin pero hanggang kailan?
Marahil dito nalang tayo magiging masaya
Ang kaibiganin ka ay alam kong palaging masaya
Lahat ng panahon ay maari pa nating makamtan
Nandito lang ako aking pinakamamahal na kaibigan
Mamahalin pa rin kita kahit hanggang kaibigan na lamang
Maligayang kaarawan mahal kong kaibigan
Mahal na mahal kita ng walang pag-aalinlangan.