(image source)
bakit nga ba tayo laging umaasa,
kahit alam natin na ito ay di na tama.
naghihintay at ngbabakasakali parin,
kahit hinde na dapat, lagi pa rin dinidiin.
hinde pa ba sapat ang maghintay sa wala,
nagmamahal pa din kahit walang napapala.
kahit walang kapalit at ganun kapait,
umiibig parin sa isang tao na ang dulot lang ay sakit.
bakit hinde maiwan, hinde mabitawan,
nghihintay na mabago ang inyong kapalaran.
nilulunod ang sarili sa magandang panaginip,
ngunit nilulunod din ang sarili sa lungkot na walang sasagip.
humahanap pa rin ng konting kaligayahan,
kahit konting oras nga di ka mapagbigyan.
sapat pa ba ang dahilan na siya ay mahal mo?
sigurado ka ba na nadarama niya sayo ay pareho?