"Maging Malaya"
Gusto ko lang maging Malaya
Napakahirap ba itong ibigay?
Gusto ko lang maging Malaya
Nang makalimutan ang lahat ng bagay na nangyari sa nakaraan
Gusto ko lang maging Malaya
Upang mawala lahat ng sakit at mga hinanakit
Gusto ko lang maging Malaya
Nang sa gayon ay hindi ko na maranasang masaktan pang muli
Gusto ko lang maging Malaya
Upang mahalin ka sa sarili kong paraan
Gusto ko lang maging Malaya
Upang maalis lahat ng aking takot
Gusto ko lang maging Malaya
Hanggang sa masambit ko sa’yo na mahal kita
Gusto ko lang maging Malaya
At gusto kong marinig sa’yo na mahal mo rin ako