Sabi ng isang kaibigan huwag ka malungkot,
Masaya daw ang buhay ko,
Maalwan, may maayos na trabaho, may asawa at anak,
May pamilya, may nagmamahal.
Oo naman, I am blessed
But it doesn't mean I'm happy.
Sa bawat sulok ng buhay ko
May kwento, may daing, may sugat at peklat.
Masaya ako? Oo,...
Pero madalas malungkot.
Tawa naman daw ako ng tawa,
Madami naman daw akong kaibigan,
May pera daw panggastos,
Well, akala mo lang yun.
Minsan tanging pagtawa na lang ang sagot ko sa kalungkutan.
Masasabi ko ba na-master ko na ang pag-papanggap?
Hindi rin,
kase heto ako muling nagsusulat.
Madami akong kaibigan, Oo naman.
Pero ang totoo? Hindi ko alam.
May pera akong panggastos?
Oo naman, pero lahat yun bayad utang.
May anak at asawa? Oo naman,
Malayo nga lang sa anak, emotionally detached sa asawa.
Miss mo pa ang magulang,
Ang ending, iiyak na lang.
Madalas, nililinlang tayo ng ating mga mata,
At akala natin lahat ng ating nakikita ay makatotohanan,
Ngunit ang totoo may iba pang kwento,
Malalaman lang yun kung concern talaga ang tao.
Hindi ko na matandaan,
Yung huling taong nagtanong......,
Ok ka lang ba?