MAPAGLARONG TADHANA
Mga titig na tila nagsasabing ok lang mahulog ng lubusan.
Iyong mga ngiting nkakapagwala sa aking katinuan.
bawat bigkas mo ng aking pangala'y napakasarap dinggin.
nakilala ka sa panahong ako'y handa ng magmahal muli.
Ngunit tayo'y hindi tinadhana para sa isa't isa.
sapagkat ika'y masaya sa piling ng iba
kaya't nararamdama'y nararapat lamang kalimutan
kahit na nais kong ipagsigawan sa lahat na GUSTO KITA.
Tila nakikisama ang pagtangis ng kalangitan,
sa sakit ng katotohanang hanggang magkaibigan lang.
Pag-iibigan na kahit kailan ay hindi magiging tama.
Puso't isipa'y tuliro dahil sa mapaglarong tadhana.!