This is my entry for POETOGRAPHY contest by
Hive account@iyanpol12
Ang aking mga magulang
Kayo ang dahilan ng aking hininga,
Ako ay nabuo sa iyong kalinga,
Pag-ibig na wagas,totoo't dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko't sigla.
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko't luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay dumapo,
Pati na ang init,pilit papawiin,
At kung ako ma'y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi lang maliit ang sakripisyo niyo,
Simula nang ako'y maging isang tao.
Kaya naman ako'y may mga pangako,
Mga utos at hiling ay susundin ko.
Igagalang ko kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
god bless us steemians
salamat :)