Ang aking unang pag asa na ang isang bagay ay maaaring tumagal magpakailanman
Ikaw ang unang pagkakataon na nagbukas ako na parang isang namumulaklak na bulaklak
At ibinigay sa iyo ang bawat piraso ko
Itinuro mo sa akin na wag mahiya sa pag bubukas ng sarili
Na oras na upang ilabas ko ang aking kagandahan na nakatago sa ilalim ng makapal na balat
Ikaw ang unang tao na nabigo akong makahanap ng isang tula para sa iyo
Mahal kita mula sa iyong buong pagkatao
At walang matalinghagang salita ang makagagalak sa aking puso sa bawat paghanga ko sa bahagi mo
Ikaw ang unang pagkakataon na gusto kong ibahagi ang sarili ko
Sa unang pagkakataon gusto kong basahin ang bawat mensahe mo na parang paborito kong libro
Ang aking unang halik
Ang aking unang pagkakataon na parang my paro paro sa paligid ko pag katapos kong marinig ang pangalan mo
Ikaw ang paborito kong kanta
Ang aking 11:11 na kahilingan
Habang nakatingin sa isang orasan at naghihintay na ang mga numero ay ganap na magtugma
Upang hilingin na panatilihin ang isang pag ibig na alam kong para sa akin.