Image Source
May sugat pa ba???
Masakit parin ba???
Nakalimutan mo na ba???
Naaalala mo pa ba ang pait???
Nang bawat yakap
Nang bawat halik
Nang dating TAYO
Nang dating IKAW
Sa dating maituturing natin na magandang sayaw
Sa masasayang awit
Na sabay nating sinisigaw
Mga pangalang nakaukit
Sa punong pag mamay-ari ng ikaw at ako
Nang TAYO
Nang dating TAYO
Hindi mawawala ang sugat
Mananatili ang sakit
Kapag naaalala ang yakap mo't halik
Kahit magbago ang lahat
Kahit nagbago na ang lahat

Nagbago na ang lahat