"Saan Ako Nag-Kamali"
Nag-aapoy na galit
Nang dahil sa kabit
Bakit mo ipinilit?
Sa asawa nyang may sabit.
Nasunog na pangarap
Minsan ay hinanap
Itinaboy ang mga asungot
Pagkamunghi 'gang sa bangungot
Iginalang mo ang batas
Ni minsa'y di ka nakabili ng gatas
Pangako mo na napako
Wala ka namang isinuko.
Hindi ako nag-kulang
Pero bakit ka nag-bilang?
Sumbatang wagas
Umabot 'gang Batangas
Nagkatotoo ang aking pangamba
Na ika'y mayroong babae di ba?
Walang kuli sa pag-tanggi
Nahuli ko na kayo doon sa haligi.
Bakit mo ako kinawawa?
Bakit ka nangaliwa?
Hindi ka pa nakontento
Humingi ka pa ng omento.
Pag-lipas nang maraming taon
Ako'y natauhan, mahigit isang taon
Masasakit na alaala sa isipan
Iwinaksi nang madalian o paspasan.

Saan Ako Nag-Kamali;