Sa kalangitan muling maglalakbay,
Kasabay ng hangin na payapa.
Lalakarin ang ulap ng saya,
Ihuhulog ang poot at sakit ng ala ala.
Makita kang may ngiti aking sinta
Lubos kong ikasasaya.
Init ng panahon hindi alintana,
Magbubukas ang bintana ng sadyang bahagya.
Bumagyo man bukas ikaw ay kargado,
Ng instrumento ng pagiging malikhain mo.
Bigat ng pasanin iyong yayakapin,
Walang suliranin ang dapat pang isipin.
Sa bawat minuto at segundo sa piling mo,
Walang saya ang mkakapantay dito.
Gaya ng paru parung ilaw berde sa paningin,
Dalangin ko'y sana'y kanyang dinggin.
Ang liwanag na hain mo ang bumubuhay sa tahanan ko,
Ikaw ang lamig at init sa damdamin ko.
Kung may hiling na dapat hingin,
Yun ay manatili kang may pag tingin,
Na may pagmamahal, saya at pag asa.
Walang hindi kaya basta't ikaw ang kasama.
Sayo lamang gugustuhin maranasan lahat, mahirapan man, dumilim man, o kahit pa ang sariling paningin, sumikip ang pag hinga o kahit ang sarili ay iaalay pa, lahat ay kakayanin basta't nakahawak ka.
Sa piling mo'y mahimbing,
Ako man ay iyong kantiin,
Bukas ko sayo pa rin nakahain,
Pag Ibig ko ay tanging sayo pa rin.
Ikaw ang buwan ng buong araw,
At liwanag na nakaabang para bukas,
Sa ating pag iisang landas,
Makakaasa kang hindi ako kakalas,
Sa ating mumunting palabas,
Na ikaw ang bida at batas,
Ikaw ang aking tanging lakas,
Mahal kita o aking reyna,
Handa akong gawin lahat para ikaw ay maging masaya.
" Lamig at Init "
Poetry written by Anthony Barba
06/15/18
Photo above me and my beautiful girlfriend