Sa bawat sibol ng dakilang araw.
Liwanag atin ng dadaanan.
Sa bawat takbo ng larong ito.
Munting pawis ay hinding hindi hihinto.
Sa bawat hawi sa mukha na masaya.
Sa bawat duming tumitinta sa paa.
Sa damit na iba ang pag ka kulot.
Dahil mag hapon na din nmang suot.
Matuyuan man ng pawis ang likod.
Masugatan man ang malalambot mong tuhod,
Hindi ito ang pipigil sa sayang hatid ng munting laro.
Uuwing kakaba kaba baka si inay galit na.
Papasok sa loob at dahan dahan ang paghakbang pa.
Papakiramdaman bawat tunog,
Maswerte pag si inay ay tulog.
Muling aalis at babalik sa lansangan,
Kung saan, alaalang masaya atin ng pag dadaanan.
At sa maghapong pagod uuwing uhaw.
Kasabay ng sikmurang sa gutom ay sumisigaw.
Nanlalagkit mong balat na di maintindihan.
Pawis na natuyo na sa hangin,
Damit na sumisingaw na sa asim.
Pagpasok sa kwarto araw ay di pa tapos,
Kukunin ang tau-tauhang laruan at pilit iyong igagapos.
Buong araw man ay kulang,
Mag papahinga muna para sa muling bagong umagang sakin ay nag aabang na.
"Laro"
Poetry written by Anthony Barba
06/02/18