GOOD EVENING TO ALL. i have this filpino poem for you guys.. please take time to read. and hope you like it! godbless!
"Katanungan"
Ano bang nangyayari sa akin?
Napakaraming tanong na pumapasok sa aking isipan
Gulong gulo na ang aking isipan
Na hindi ko alam kung ano ang kasagutan.
Bigla bigla ka kaseng nawawala
Di ko alam kung ayaw mo na
O sadyang abala ka lang talaga
Kaya siguro ako nag kakaganito dahil namimiss na kita
Nasaan na ba yung dating ikaw?
Yung dating ikaw na kinasanayan kong nandyan?
Yung nandyan palagi para pasayahin ako?
Yung ako na walang ginagawa kundi hintayin ka.
Tulala, di mapalagay, nangingiti at nalulungkot
Yan ako sa tuwing naiisip kita
Buhay ko ay napuno ng kulay simula nang nakilala kita
Kaya eto ako naghihintay parin na mahawakan ang iyong mga kamay.