https://pixabay.com/en/alone-walking-night-people-city-764926/
Sa madilim na eskinita
Eskinitang wala kang ibang makikita
Makikita lang ang mga halang na kaluluwa
Kaluluwa na iba't-iba ang pakay
Pakay na hindi magaganda
Magagandang dalaga mag-ingat sa pagdaan sa eskinita
Eskinitang puno ng kalalakihan
Kalalakihang pula ang mga mata
Mata na puno ng pagnanasa
Pagnanasa sa makikinis na dalaga
Dalagang disgrasya ang naghihintay
Naghihintay sa tamang pagkakataon ang nasa eskinita
Eskinitang kay lamig ngunit bitbit nilay mainit
Mainit sa lalamunan at mapait sa isip
Isip na nalilito, nakakahilo at nakalalason
Nakakalason ang kanilang pag-iisip