TAGU-TAGUAN
Tagu-tagoan,
Maliwanag ang buwan;
Wag ipagkait ang nararamdaman ,
Kahit tayo'y kaibigan lang.
Ibinaon sa sulok,
Ang galak sa puso'y kumakatok
Paniniwala ko may marupok,
Na ang puso ko'y baka muling malugmok.
Hindi nagsasalita, hindi naman bingi,
Nag-aalangan ako't nag-aatubili,
Bilanggo ako ng takot at sakit,
Nuon minsan may pag-ibig ay kay pait.
Tagu-tagoan,
Puso'y takot mapaglaruan,
Handa bang muling buksan,
Itapon lahat ng pag-aalinlangan.
Isinusuksok ang ngiti,
Pilit na ito'y ikubli,
Di man aminin ngunit di rin maisantabi,
Binalot lahat sa maligayang mga sandali.
Ako ngayo'y taya,
Nahuli mo't ako'y dinaya,
Dinaya sa akala ko'y di na lalaya,
Dala mo ulit sa mundo ang saya.
Be a member on our Facebook page -- Click this Link