"Kabataan ang pag-asa ng bayan";
Yan ang sabi ni Dr. Jose Rizal sa sambayanan.
Pero bakit ngayon ito'y unti-unting kinalimutan?
At iniwan nalang sa nakaraan?
Kabataan noon, sa bakuran lang gumagala;
Sa pag-uusap, kinabukasan nila ang laging paksa.
Kabataan ngayon, sa kompyuteran mo na makikita;
Dota, Mobile Legend, artista, at buhay pag-ibig na lamang maririnig mo sa kanilang mga baba.
Noon, sila ang ating pag-asa;
Bakit ngayon sila'y naging ating problema?
Imbes na pag-aaral ang isinasagawa;
Bakit ngayo'y sila'y napapariwara?
Ito ba'y dulot ng kakulangan sa atensyon?
O nakikiuso lang kung ano ang trending ngayon?
Paano na ang ating ambisyon?
Kung ganyan lang din naman ang mga kabataan sa ating henerasyon.
-dapmonylia-
I am a part of . Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
My first filipino poetry-An issue entry.
Happy Steeming everyone!!!