Pamilya ang nagbigay gabay sa kinabukasan natin
Sa hirap man o ginhawa, pamilya ang masasandalan
Masawi man at mabigo, pamilya ang matatakbuhan
Sa tawanan man o iyakan, pamilya ang kasabayan
Sa pagkamit ng tagumpay, pamilya ang unang tagahanga
Minsan nakukuha nating pamilya ay talikuran
Upang sa barkada at kaibigan ay makipag-aliwan
Nakukuha pang unahin ang barkada kesa pamilya
Palihim na nasasaktan ang kanilang damdamin
Malawak ang kanilang pang-unawa para sa atin
Pamilya ay hindi parin tayo sinusukuan
Andyan parin sila sa oras ng ating pangangailangan
May mga tao sa mundo na nakakapagpasaya sa atin
Pero kahit sino man ang darating saatin
Wala paring hihigit sa pamilya natin