Ng minsang magawi, isang maulang hapon
Dito sa tabing dagat kung saan
Gumuho ang mga pangarap at sumpaan
Katulad ng kastilyong buhangin
Sa dalampasigan, natatangay din ng hangin
Ang pag-ibig mong marupok at mandaraya
Inakalang pagsuyo mong totoo at malaya
Na mapanlinlang at mapansamantala
Sa natutulog kong damdamin na nagtiwala
Hinuha kong ikaw ang magbibigay liwanag
Sa nauupos kong pag-asa na wala ng sinag
Di ko sukat akalain na ako'y iyong itulak
Ibaon sa dusa at lalong nalugmok sa lusak
Ang iyong ginawa ay sobrang sakit
Sa aking himaymay at puso ay nakaukit