Labis na kasiyahang di ko mawari
Naguumapaw at hindi maitatanggi.
Mga Ngiting di ko maalis sa aking isip,
Na para bang isang panaginip.
Mukha mong parang anghel kung maituturing.
Kislap ng iyong mga mata, mala diyamenteng nagniningning.
Mga titig mong kay lagkit, na tila ba'y nagsasabi,
Na nagpapahiwatig na ika'y tingnan kong mabuti.
Kinaway mo ang iyong mga kamay na walang pagaalinlangan.
Ako'y binati na para bang isang matagal na kaibigan.
Maikli mang Panahon o masasabing ito'y saglit lang,
Ito'y aking babaunin hanggang magunaw ang mundong ginagalawan.
Ngiting di maikukumpara, sa puso't isip hindi mawawala
Ipanatag aking puso at Ipahayag nalang ito sa huli,
Na sa bawat oras ng aking pag ngiti na ikay wala,
Mundo ko ay titigil at gustong makita kang muli.
I am a part of . Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
This is your steem friend,
- Niño M.