https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRxx6sy9d5lHc5m6BZQhFw3sMtlEKE8sAupq7NWjIauy0aufsN-
-orihinal na tula-
Tanging ikaw lang ang mamahalin,
ang sakit ay aking titiisin
nahihirapan na ako pero kakayanin,
gagawa ng paraan para bumalik ka lang sakin,
ano pa ang maging kasalanan ikaw ay tatanggapin.
Handa akong magpakatanga
dahil hindi ko kaya ikaw ay mawala
kahit ano pa ang sabihin ng iba
ikaw lang ang nagpapasaya,
takot akong maagaw ka nila.
Akin ka lang
kahit walang bala sasabak sa digmaan,
hahanapin ka kahit saang sulok ng kalawakan
kasi sa isip ko ikaw lang ang nilalaman
at sa puso ko ikaw ang pinagsisigawan.