image https://ali29tmnt.deviantart.com/art/Fake-Smile-517834351
-orihinal na tula-
Paano ba maging masaya ?
ako'y malungkot kahit ako'y nakatawa,
ngiti ko pa nga abot hanggang tenga.
Ang daling magpatawa
pero sa sarili ko'y hindi magawa,
akala nila wala akong problema.
Sa lakas ng aking pagtawa
akalain niyo naloko ko sila,
ang gusto ko naman talaga ay mawala na.