Oo isang taon na ako sa sayt na ito, kumita at ngayon salat na,
wala na ang dating magandang kita, para nang naglaho,
parang nagbalik sa dati ng unang buwan ko dito.
Talagang gumugugol ka ng panahon sa sayt na ito, hindi puwedeng hindi,
bukod diyan, kailangan mo rin ng reinporsment ng may matataas na SP,
sila ang dahilan kung bakit kumkita ka, wala sila sa post mo, wala ka ring kita.
Kung iisipin mong maigi, mas kumplikado ang Steemit kaysa sa ibang blogging site,
hindi uubra dito ang sinasabi nilang magandang posts mo, hndi totoo iyon,
ang totoo mag-imbest ka, mamuhunan ka para may kita ka, para lang sa sarili mo!
ang panahon iginugugul ko dito sa sayt na ito ay nakakaapagod na rin, kasi,
hindi ka talaga kikita sa pagview, comment at paglike, wala ito sa mundo ng Steemt!
Kaya matatigaya ka talagang umaamot ng upvote sa kanila, tiisin ang sentabos nakita,
tiisin mo na lang lagi ito hanggang kaya pa, ewan, ganun talaga.
Naisip ko tuloy, sino pala ang mas natutulungan ng Steemit ang nag-invest o ang binibigyan ng upvote?